DAGDAG NA ALLOWANCE SA TEACHERS ISINUSULONG SA KAMARA

P282-M PINSALA NI ‘INENG’ SA INFRA, AGRI PUMALO na sa P282 milyong halaga ng imprastraktura at agrikultura ang napinsala sa Northern Luzon dahil sa bagyong Ineng, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa pahayag ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, sa nasabing halaga ay P263 milyon ang nasira sa mga imprastraktura. Ani Jalad, siyam na kalsada, apat na tulay at dalawang flood control structures ang nawasak sa mga ba-rangay sa Ilocos Norte, habang nasa P19,571,654 naman ang napinsala sa sektor ng agrikultura sa re-hiyon. Pinakamalaking napinsala ang mga palayan na lumubog sa tubig-baha. Hindi rin nakaligtas ang ilang alagang hayop dahil sa matinding baha sa lalawigan.

INIHAIN ni Deputy Speaker at Lipa City Rep. Vilma Santos-Recto ang panukalang batas na nagsusulong na dagdagan ang teaching supplies allowance at maging ang yearly cash allowance na ibinibigay sa mga guro sa pampublikong paaralan sa bansa.

Sa House Bill 3449 o ang ‘Teaching Supplies Allowance Act’,  iginiit ng Lipa City lady solon ang pangangailangang itaas, mula sa kasalukuyang P3,500 kada school year, sa P10,000 ang allowance ng public school teachers sa pagbili ng kanilang teaching materials.

Ayon kay Santos-Recto, sa pagtaas ng halaga ng mga bilihin, tiyak na hindi na sapat ang natatanggap na allowance ng mga pampublikong guro, dahilan para maging ang kanilang sariling pera ay nagagamit nila mabili lang ang kinakailangang mga gamit sa pagtuturo.

“Aside from spending for their personal and fa­mily needs, teachers also have to shell out some more money from their own pockets for the materials they use in teaching,” sabi pa ng lady deputy speaker.

Kaya naman sa kanyang panukala, ang pambili ng public school teachers ng chalks, erasers, forms at iba pang classroom supplies and materials ay gagawin nang ‘P10,000 per teacher per school year’.

Subalit giit niya, tanging ang guro na may aktuwal na classroom teaching assignments ang tatanggap ng naturang allowance, na hindi papatawan ng income tax.

Bukod sa pagtataas sa teaching supplies allowance, ipinanukala rin ni Santos-Recto na gawin nang P10,000 ang cash allowance ng public school teaches kada school year.

Ito’y katumbas ng 185 percent increase mula sa kasalukuyang P3,500 per teacher per school year o katumbas lamang ng P16 na subsidy sa mga guro kada araw.

Sinabi ng mambabatas na sa kabila na patuloy na tumataas ang taunang budget ng Department of Education (DepEd), hindi naman nadagdagan ang tinatanggap na iba’t ibang benepisyo ng mga pampublikong guro bukod pa sa kabiguan ng pamahalaan na matugunan ang matagal nang panawagan na dagdagan ang buwanang sahod ng mga ito.

“Thus, one of the urgent ways to respond to the clamor of our public school teachers for much needed support is to grant them with additional be­nefits in the form of cash allowances which would not be subject to the SSL,” dagdag ni Santos-Recto. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.