TUMANGGAP si Olympic-bound Filipino gymnast Carlos Edriel Yulo ng dagdag na pondo habang naghahanda para sa kanyang pagsabak sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.
Inanunsiyo ng MVP Sports Foundation (MVPSF) na pinagkalooban nila si Yulo ng P800,000 sa pamamagitan ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP).
Ang grant ay para sa renta, academic schooling at support team, na binubuo ng isang physiotherapist, nutritionist, at sports psychologist, ni Yulo.
Umaasa ang foundation na sa pamamagitan nito na ay makakapagpokus si Yulo sa kanyang paghahanda para sa Tokyo Olympics, na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 ng susunod na taon.
“The MVPSF wants to make sure that our athletes still get the best training possible, even as we face the current COVID-19 pandemic,” sabi ni MVPSF president Al Panlilio sa isang statement.
“Aside from the financial relief from the additional finding, we’re hopeful that this also puts Caloy’s mind at ease, because we want to show him that we’re behind him all the way,” dagdag pa niya.
“His sole focus should be on his quest to win an Olympic medal, and we’ll do our best to take care of the rest.”
Si Yulo, 20, ay isa sa apat na Pinoy na nagkuwalipika sa Olympics, kasama sina pole vaulter EJ Obiena at boxers Irish Magno at Eumir Felix Marcial.
Comments are closed.