DAGDAG NA BABAENG POLICE RECRUITS

PNP-9

LUSOT na sa House Committee on Public Order and Safety ang panukala para sa dagdag na 20% recruits ng mga babaeng pulis.

Inaprubahan sa unang pagbasa ang House Bill 8689 kasunod na rin ng pagtatakda ng Philippine National Police (PNP) ng P3 bilyon  para sa dagdag na 10,000 extra positions na PO1.

Inaamyendahan ng panukala ang 21 taon na PNP Reform Law kung saan nasa 10% lamang ang reserbang slots para sa mga ba-baeng pulis ng PNP.

Sa ilalim ng panukala, bubuksan ang 20% na reserved slots para sa mga bagong recruits na policewomen.

Ayon sa may-akda ng panukala na si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, layunin nito na madagdagan ang bilang at mas mabigyan pa ng oportunidad ang mga babae na makapasok sa PNP.

Layunin din ng panukala na ang mga babaeng pulis na ang may eklusi­bong superbisyon sa mga kababaihan at mga kabataan na dadalhin sa police station para isailalim sa custodial investigation.

Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang mga kaso ng pang-aabuso ng mga lalaking pulis sa mga babae at mga batang nahuhuli ng mga awtoridad.  CONDE BATAC

Comments are closed.