NAIS ng grupo ng mga titser na mabigyan sila ng dagdag na kompensasyon at overtime para sa karagdagang oras na iniukol nila sa pagseserbisyo sa May 13 midterm elections.
Ito ang nakasaad sa liham na ipinadala ng Alliance of Concerned Teachers-Philippines (ACT) na naka-address kay Comelec Chairman Sheriff Abas, at pirmado ng Secretary General nito na si Raymond Basilio nitong Biyernes.
Ayon sa grupo, dapat lamang na mabigyan ng karagdagang kompensasyon ang libo-libong guro na gumanap bilang board of election inspectors (BEIs) na nagsilbi sa halalan.
Bunsod kasi ng technical difficulties na naganap sa eleksiyon na dulot ng mga depektibong Secure Digital (SD) cards ay napilitan ang mga guro na magbigay ng mas mahabang oras para sa kanilang polls service.
“These unfortunate but not inevitable issues have resulted in teachers’ loss of time to rest and be with their families, as well as loss of opportunity to find other sources of income to make ends meet,” bahagi ng liham. “Teachers do not have much time left to recuperate as in a few days, they will be back in school for brigade eskuwela, in-service training for teachers (INSET) and school opening.”
“In light of this, we request that justice be served for those who rendered extended hours of election service by granting them additional compensa-tion on overtime rates,” anang ACT.
Kaugnay nito, humihingi rin naman ang mga guro sa Comelec ng diyalogo sa Lunes, Mayo 20, hinggil sa isyu.
Umaasa rin ang ACT na mapagbibigyan ng Comelec ang kanilang kahilingan. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.