DAGDAG NA BUWIS SA YOSI, ALAK APRUB KAY DUTERTE

ALAK-YOSI-2

SUPORTADO ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang patawan ng dagdag na excise taxes ang tobacco at alcohol prod-ucts.

Ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, inaprubahan ni Pangulong Duterte ang panukala ng Department of Fi-nance (DOF) at Department of Health (DOH) sa buwanang pagpupulong ng Gabinete noong Lunes.

“This is a key public health measure to reduce deaths and disabilities due to tobacco and alcohol consumption and, at the same time, a revenue measure to fund the universal health care program,” wika ni Panelo.

Inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa noong nakaraang buwan ang dalawang bills na naglalayong taasan ang mga buwis sa alcohol at tobacco products.

Sa ilalim ng House Bill 8618, ang distilled spirits tulad ng brandy, whisky at alcopops ay papatawan ng 22-percent ad valorem tax rate per proof sa net retail price, at specific tax na P30 per liter simula sa 2019.

Sa ilalim naman ng House Bill 8677 ay itataas ang excise tax sa sigarilyo sa P37.50 per pack sa Hulyo 2019, at tataasan ng P2.50 kada taon matapos nito.

Ipinanukala ni Senador Manny Pacquiao na itaas ang excise tax sa sigarilyo sa P60 per pack,  na kasalukuyang nasa  P35, ha-bang hiniling ni Senador JV Ejercito na itaas ang excise tax sa sigarilyo sa P90 per pack.

Sinabi ni Panelo na inirekomenda ng DOF at DOH  sa Pangulo na sertipikahang urgent ang bill ni Pacquiao.

“Under the proposal, the tax on tobacco would be raised to P60 per pack while on the part of alcohol it will be P40 per liter. So the recommendation is that bill should be passed and signed into law,” aniya.