PINAGKALOOBAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng halagang P10,000 ang bawat mangingisdang nasagip at karagdagang food packs kamakailan sa Recto Bank.
Ayon kay DSWD Undersecretary Aimee Torrefranca, ito ay sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situatuans (AICS) ng kagawaran na kanilang ipinamahagi sa 22 apektadong mangingisda sa kanilang pagbisita sa Occidental Mindoro.
Napag-alamang nagsagawa rin ang DSWD Field Office Mimaropa ng psychosocial intervention upang matulungan ang mga mangingisda sa kanilang natamong traumatic experience sa naganap na insidente.
Samantala, katuwang pa rin ng DSWD ang Local Social Welfare and Development Office (LSWDO) ng Occidental Mindoro sa pag- assess ng iba pang mga pangangailangan ng pamilya ng mga nasabing mangingisda katulad ng livelihood assitance sa pama-magitan ng kanilang Sustainable Livelihood Program (SLP) at educational assistance sa mga anak ng mangingisda .
Tiniyak naman ng DSWD sa mga mangingisda at pamilya nito na handang ipagpatuloy ng kagawaran ang anumang tulong hanggang sa sila’y tuluyang makaahon sa kinakaharap na problema dulot ng insidente hanggang sa maging normal na ang kanilang mga pamumuhay. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.