DAGDAG NA EXCISE TAX SA YOSI LALAGDAAN NA NI DUTERTE

YOSI-2

LALAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong linggong ito ang panukalang batas na naglalayong dagdagan pa ang excise tax sa sigarilyo.

“It is an enrolled bill that was transmitted last June 27 to Malacañang. That means it will lapse into law July 27. And my understanding is it is ready for signature by the President,” pahayag  ni Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua sa ginanap na economic briefing kahapon sa Malakanyang.

Ayon kay Chua, ang tobacco excise bill na naipasa ng 17th Congress ay mangangahulugan na mula P35  ay magiging P45  na ang buwis sa mga to-bacco products at electronic cigarettes.

“I was told it would be signed this week because that is a priority measure certified urgent by the President in the previous Congress and mentioned by the President in the Sona,” giit ni  Chua.

Ang excise tax sa tobacco products ay bahagi ng package 2-plus na magiging epektibo sa Enero 1, 2020.

Sinabi ni Chua na ang makokolektang buwis sa naipasang tobacco excise tax ay ipopondo sa Universal Health Care.

Simula sa 2020 ay mararamdaman na ng bawat Filipino ang mga benepisyong matatanggap kabilang ang  libreng 18 primary care drugs.

Maraming covered na sakit at isa na ang cancer. Kabilang din ang iba pang health conditions ang magagamot ng libre tulad ng pneumonia at diabetes. Halos lahat ng sakit ay makokober na ng programa. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.