DAGDAG NA HEALTH WORKERS DINEPLOY

NORTHERN SAMAR- NAG-DEPLOY ng karagdagang health workers ang Philippine National Police (PNP) at Department of Health (DOH) sa lalawigang ito.

Kasunod ito ng nararanasang kakulangan sa tauhan ng mga ospital maging ng mga klinika at laboratoryo matapos tamaan ng COVID-19 ang maraming health workers sa nasabing rehiyon.

Sa pahayag ni Northern Samar Provincial Health Office Dr. Ninfa Caparroso-Kam, naka-isolate na ang mga health worker na nakakaranas ng mild symptoms ng COVID-19.

Ayon kay Caparroso-Kam, marami sa mga nagkasakit ay kontraktuwal, walang leave credits at walang benepisyong nakukuha mula sa pamahalaan.

Bukod pa dito, hirap din o walang kakayahan ang mga health worker sa pagbabakuna kontra COVID-19 dahil mahirap puntahan ang ilang lugar kaya nasa 40 porsiyento pa lamang ang may kumpletong dose ng bakuna sa pro­binsiya. DWIZ 882