DAGDAG NA MILITARY ENGINEERING BRIGADES PARA SA KALAMIDAD

Isabela Rep. Rodito Albano III

HINIKAYAT ni Isabela Rep. Rodito Albano III si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na dagdagan ang military engineering brigades sa bansa na maaaring gamitin tuwing may kalamidad.

Paliwanag ni Albano, maaaring i-tap ang military engineering brigades para sa disaster response, rescue at rehabilitation para sa mga komunidad na nasalanta ng bagyo, lindol, landslides o anumang uri ng kalamidad.

Hiniling ng kongresista na magtalaga ng kahit isang military engineering brigade sa bawat rehiyon sa Filipinas na kompleto sa kagamitan para mabilis na maisagawa ang kanilang disaster response mission.

Hinimok din ni Albano ang Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na imodernisa ang kasalukuyang limang engineering units.

Hiling pa nito ay isama sa modernization ang mga bagong road repair at construction equipment para sa mabilis na pagtatanggal ng mga bu­magsak na puno, poste ng kor­yente at ibang debris sa mga lansangan.

Makatutulong ang mga bagong kagamitan para sa mabilis na paghahatid at pamamahagi ng ayuda sa mga biktima ng kalamidad.                                    CONDE BATAC

Comments are closed.