PLANO ng lokal na pamahalaan ng Pasig na kumuha ng dalawa o higit pang mga Barangay Captain para isama sa City Council.
Masusing pinag-aaralan ngayon ng Legal Department ng Pasig City Government ang panukala ng Liga ng Mga Barangay ng lungsod na dagdagan ang mga miyembro ang City Council upang mabawasan ang legislative na gawain ng City Councilors.
Ayon kay Barangay Caniogan chairman Rey de Jesus, isinumite na nila ang kanilang position paper kay Mayor Vico Sotto nang magkaroon ng pagpupulong kahapon ng mga Barangay Chairman.
Dagdag pa ni de Jesus, ang naturang position paper ay nilagdaan ng 30 Barangays na inaasahang pag-aaralan ng husto ni Sotto dahil malaking tulong ang naturang hakbang para sa kanila.
Paliwanag ni de Jesus, kapag nagkaroon ng karagdagang City Councilors ang ibang mga agenda at plano ng alkalde ay hindi mauupuan kundi agad na matutugunan dahil ang lungsod ng Pasig ay nahahati sa dalawang Distrito at bawat Distrito ay mayroong anim na Councilors
Partikular na tinukoy nito, ang maraming chairmanship na hawak ng isang Councilor kaya ang ibang komite na napakahalaga ay hindi na napagtutuunan ng pansin. ELMA MORALES
Comments are closed.