HIHIRIT ng panibagong umento sa minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila ang labor group na Associated Labor Union – Trade Union Congress of the Philppines (ALUTUCP).
Sinabi ni ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay na maghahain sila ngayong Pebrero ng petisyon para sa P313 na dagdag sa sahod ng mga minimum wage earner.
Ayon kay Tanjusay, batay sa kanilang computation ay dapat nasa P850 na ngayon ang minimum wage ng mga manggagawa sa buong bansa para maayos at disente silang makapamuhay.
Aniya, ang hakbang ay dahil na rin sa inaasahang muling pagtataas ng presyo ng mga bilihin kasunod ng pagpapatupad ng ikalawang bugso ng excise tax sa petrolyo sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Sa kasalukuyan ay nasa P537 ang minimum wage sa NCR makaraang madagdagan ng P25 noong Nobyembre.
Comments are closed.