KULANG ang pondo kayat nanganganib na hindi pa maibibigay sa susunod na taon ang karagdagang P500 buwanang pensyon sa mga mahihirap na senior citizen sa bansa.
Dahil dito ay iminungkahi ni Senadora Imee Marcos sa National Commission on Senior Citizens na ituon na muna ang pagbibigay pensyon sa mga lubos na nangangailangan, mga nakaratay o may sakitat inabandonang matatanda.
Inatasan niya ang NCSC na makipag-ugnayan sa Philippine Statistics Authority (PSA), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Budget and Management sa paghahanap ng solusyon sa problema.
Ngayon taon ay naisabatas ang panukala para sa karagdagang P500 sa buwanang P500 na pensyon kada buwan ng mga mahihirap na senior citizens.
Sa ngayon, P26 bilyon ang inalalaan para sa buwanang pensyon at madodoble ito kapag naipatupad ang batas.
Ngunit sinabi ni Marcos na may problema sa pondo ang gobyerno.