DAGDAG NA PLANTILLA POSITIONS SA BFAR, INIHIRIT NG DA

Agriculture Sec Manny Piñol

NAKIUSAP si Agriculture Sec. Manny Piñol sa mga kongresista na tulungan silang dagdagan ang plantilla positions partikular na sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ayon kay Piñol, 11,000  mga kawani ng ahensiya ang pawang kontraktuwal kung saan pinakamalaki rito ang sa BFAR na aabot sa halos 5,000 contractual employees.

Marami umano sa mga kontraktuwal sa BFAR ay mga scientist na sumasakay ng barko ng BFAR para mag-ikot sa karagatang sakop ng teritoryo ng bansa.

Sa talaan ng DA, mayroon pang 1,744 plantilla positions na hindi napupunan sa kasalukuyan.

Mayroon namang 8,000 plantilla positions ang may nakaposisyon na at mahigit 1,000 naman ang nasa co-terminus positions.     CONDE BATAC

Comments are closed.