DAGDAG NA PUBLIC TRANSPO PINAG-AARALAN NG GOBYERNO

PUBLIC TRANSPO-3

BIBIGYANG prayoridad ng Gabi­nete ng administra­ syong Duterte kung paano daragdagan ang kapasidad ng pampublikong transportasyon, gayundin ang pagbubu­kas ng labor-heavy industries sa pagsisimula ng kanilang pagtalakay sa mga istratehiya sa Okt. 12.

Ayon kay Sec. Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National COVID-19 Task Force, ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa ay napipigilan ng kawalan ng sapat na pampublikong transportasyon.

“They (Metro Manila mayors) are opening up the economy little by little at a controlled manner,” wika ni Galvez sa isang press briefing. “Actually, ang GCQ sa Metro Manila, maikukumpara natin ito na ito’y mahigpit na MGCQ considering that marami na tayong nai-open sa ekonomiya.”

“Ang sino-solve natin ngayon ay ang pag-increase ng public transport because ito ang limiting factor natin,” pagbibigay-diin ni-ya.

Ayon pa kay Galvez, inatasan si Trade Secretary Ramon Lopez na tukuyin ang mga sektor na maaaring buhayin kung saan ang pokus ay nasa mga negosyo na makapagbibigay ng maraming trabaho makaraang milyon-milyon ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.

Sinabi pa ng chief implementer na hindi na rin kakayanin ng bansa ang mahigpit na movement restrictions, dahil kada linggo ng community quarantine sa Metro Manila ay nasa pagitan ng 0.10 at 0.28 percentage points ang nawawala sa potential growth rate ng gross domestic product ng bansa.

“This translates to ₱63.4 billion in lost sales or ₱19.5 billion missed value-adding output.”

Comments are closed.