PINAPLANO na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magbukas na rin ng mas maraming ruta para sa mga bus at UV express sa mga susunod na araw hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa iba pang bahagi ng bansa.
Ito, ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra III ay dahil sa demand o pangangailangan ng mas maraming sasakyan sa kalsada para sa mga commuters lalo’t panahon na ng tag-ulan.
Nagbabala naman ang LTFRB sa operators ng mga pampublikong sasakyan na maglalabas sila ng show cause order sa mga susuway sa health protocols na itinakda ng IATF.
Kahapon ay binuksan na ang may 17 ruta para makabalik sa biyahe ang 1,943 units ng jeepney upang may masakyan ang mga manggagawa sa pagpasok sa trabaho at kumita rin ang mga drayber at opereytor na nawalan ng kita sa panahon nang mahigpit na lockdown.
Comments are closed.