DAGDAG NA SIN TAXES IPASA NA

Finance Secretary Carlos Dominguez III-f

NANAWAGAN si Finance Secretary Carlos Dominguez III sa Senado na bigyang prayoridad ang pagpasa sa panukalang batas na mag-tataas sa buwis sa sigarilyo at alak.

Ayon sa kalihim, may sapat na panahon ang mga mambabatas na gawin ito bago sila mag-break.

Aniya, ang pagtataas sa tinatawag na ‘sin taxes’ sa P60 kada pakete ng sigarilyo at P40 kada litro ng alak ay makatutulong para mapunan ang fund-ing gap para sa Universal Health Care (UHC) law na maaaring lumobo sa P426 billion sa 2024.

Sa pagtaya ng Department of Health (DOH), ang unang taon ng implementasyon ng universal health care program sa susunod na taon ay magka-kahalaga ng P258 billion, subalit makapaglalaan lamang ang gobyerno ng P195 billion.

“From 2020 to 2024, the funding requirement for universal health care would total P1.44 trillion, but the government could raise only P1 trillion if the excise taxes on alcohol and tobacco would be kept at present levels,” ayon sa DOH.

Noong nakaraang linggo ay sinabi ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na gagawin ng Senado ang lahat para maipasa ang panukalang batas kahit maikli na lamang ang panahon. Ang 17th Congress ay mag-aadjourn sa Hunyo 6 upang bigyang-daan ang 18th Congress, na magbubukas sa Hulyo  22.

“This reform is already in an advanced stage, so there is just enough time to deliberate, pass, and ratify the measure,” wika ni Dominguez.

Dagdag pa niya, nakahanda ang Pangulo na sertipikahan ang bill bilang ‘urgent’.

“It has always been the President’s goal to ensure every Filipino family receives appropriate, affordable, and quality health services,” sabi pa ng Finance chief.  “We know you share this goal, and together, we believe we can make it happen for all Filipinos.”

Comments are closed.