DAGDAG OFFICERS SA BUREAU OF IMMIGRATION

MADARAGDAGAN na ang mga opisyal at kawani ng Bureau of Immigration (BI) kasunod ng pagtatapos ng 87 na mga bagong Immigration Officer sa isang seremonya sa Pasay City.

Ang seremonya na ginanap sa Government Service Insurance System (GSIS) theater, ay ang pagtatapos ng training ng Class 25 at 26 na mga immigration officers na natuto sa Border Control Officers Module (BCOM) I isa BI academy sa Clark, Pampanga.

Si Atty. Ronaldo P. Ledesma, Chief ng BI Board of Special Inquiry and Learning and Development Section ang nagging keynote speaker habang si Immigration officers Ana Lorraine Manalo at Marc Erico Ong ang nagdeliver ng kanilang valedictory address sa kanilang klase.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na dumaan ang mga nagsipagtapos ng matinding pagsasanay bago sa kanilang deployment.

“These new immigration officers have been trained to serve following our core values of patriotism, integrity, and professionalism,” ayon kay Tansingco. “We trust that the new batches remain faithful to their duties as defenders of our borders,”dagdag pa nito.

Nagpaalala din si Tansingco sa mga bagong opisyal na siguraduhin ang tamang pangangasiwa bilang mga frontliner at sinabing hindi niya kukunsintihin ang pagiging unprofessional.

Ang mga bagong immigration officers ay ide-deploy sa iba’t-ibang mga frontline offices ng BI sa buong mundo. PAUL ROLDAN