DAGDAG OFWs SA THAILAND ASAHAN

THAILAND

MAYNILA – ASAHANG madaragdagan ang bilang ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Thailand kasunod ng anunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nangangailangan sila ng English teachers.

Magugunitang noong isang linggo ay lu­magda sa kasunduan sa Thailand government si Labor Secretary Silvestre Bello III para makapag-hire sila ng English teachers mula sa Filipinas.

Gayunman, aminado si Bello na wala siyang ideya kung ilang English teachers ang kanilang kailangan.

Samantala, inihayag din ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang paglulunsad nila ng hotline para sa response sa lahat ng tawag ng distressed OFWs na nangangaila­ngan ng assistance.

Para sa tawag sa labas ng Metro Manila maaaring tumawag sa 02-1348; at sa international calls, 0632-1348.

Ang hotline ay bukas 24 oras araw-araw. GELO BAINO

Comments are closed.