DAGDAG PASAHE SA ILOILO APRUBADO NA

LTFRB-JEEPNEY

INAPRUBAHAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dalawang pisong dagdag sa pamasahe sa mga pampublikong jeep sa Iloilo.

“The board has decided that we’re gonna grant a P2 increase from the original P6.50,” pahayag ni LTFRB chairman Atty. Martin Delgra III.

Inanunsiyo ito kasabay ng paglunsad sa u­nang batch ng motorized jeepney na papasada na sa Iloilo.

Pabor naman ito sa mga jeepney driver lalo pa’t matagal na nila itong hinihintay.

Samantala, hati naman ang reaksiyon ng mga pasahero ng jeep sa nakaambang pagtaas ng kanilang pamasahe.

Wala pang pormal na dokumentong inilalabas ang LTFRB ukol dito at hindi pa rin sigurado kung kailan ito magiging epektibo.

Matatandang nauna nang nagkaroon ng pisong dagdag pasahe sa mga pampublikong jeep sa mga rehiyon ng National Capital Region, Central Luzon, CALABARZON at MIMAROPA.  LYKA NAVARROSA

One thought on “DAGDAG PASAHE SA ILOILO APRUBADO NA”

Comments are closed.