HANDANG magbigay pa ng dagdag na Beechcraft King Air TC-90 patrol aircraft ang Japan Maritime Self-defense Force sa Philippine Navy (PN).
Ito ang inihayag ni Philippine Navy Flag Officer in Command (FOIC) Vice Admiral Robert Empedrad.
Ayon kay Empedrad, ipinarating sa kanya ng pinuno ng JMSDF ang nasabing plano ng Japan ng bumisita siya sa naturang bansa.
Nauna rito, nagbigay na ng limang TC-90 patrol aircraft ang bansang Japan sa Philippine Navy kung saan tatlo na rito ang inactivate na at kasalukuyang ginagamit na ng hukbo.
Naniniwala si Empedrad na kung matutuloy ang dagdag na donasyon na mga TC-90 patrol aircraft na ibibigay ng Japan, malaking tulong ito para mapalakas pa ang kapabilidad ng Philippine Navy lalo na sa Intelligence surveillance, reconnaissance, humanitarian assistance and disaster relief and maritime air surveillance.
Magugunita, matapos pirmahan ng Filipinas at Japan ang kasunduan kaugnay sa Transfer of Defense Equipment and Technology noong Feb. 29,2016, agad na nag-alok ang Japan na magbigay ng limang TC-90 patrol aircraft. VERLIN RUIZ
Comments are closed.