DAGDAG POLICE PATROL SA NAGA CITY

police patrol

KASUNOD ng pagpaslang kay Ako Bicol PL Cong. Rodel Batocabe, pinaigting pa ng Naga City Police Office (NCPO) ang seguridad sa buong lungsod ng Naga sa Albay.

Tiniyak ni Sr. Supt. Felix Servita, City Director ng NCPO, na mas pinahigpit nila ang pagbabantay sa lungsod lalo na sa mga entry at exit point ng siyudad.

Nagdagdag rin aniya sila ng mobile patrol habang naka-full-alert naman ang pulisya dahil sa naturang pangyayari.

Magpapatuloy rin aniya ang mga checkpoint operations sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Dagdag pa ni Servita na makikipag-ugnayan sila sa Albay Police Provincial Office (APPO) para makatulong lalo na sa manhunt operation laban sa gunman na pumatay sa kongresista.  EUNICE C.

Comments are closed.