DAGDAG-PONDO SA 4 SPECIALTY HOSPITALS KASADO NA SA NAT’L BUDGET

Quezon City Rep Precious Hipolito-Castelo

AABOT sa kabuuang P1.56 bilyon ang halaga ng karagdagang pondo na ibibigay ng Duterte administration para sa apat na government-owned spe­ cialty hospitals sa ilalim ng P4.5-trilyon na pam­ bansang badget ngayong taon.

Ito ang ipinabatid ni House Committee on Metro Manila Development Vice-Chairperson at Quezon City 2nd Dist. Rep. Rep. Precious Hipolito Castelo kung saan tinukoy niya ang naturang mga ospital na kinabibilangan ng Lung Center of the Philippines (LCP), National Kidney and Transplant Institute (NKTI), Philippine Children’s Medical Center (PCMC), at ang Philippine Heart Center (PHC), na pawang matatagpuan sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa ranking lady House official, ang PCMC ang may pinakamalaking dagdag-pondo, na mula sa P1.198 bilyon budget nito noong nakaraang taon ay umakyat ito sa P1.934 bilyon ngayong taon, o mas mataas ng P736 milyon,

“The NKTI will receive P372 million in additional subsidy, from P908 million to P1.28 billion; while the PHC will have P364 million more, from P1.432 billion to P1.796 billion. And Lung Center’s outlay was augmented by P88 million, from P417 million last year to P505 million this year,” sabi pa ng Quezon City lawmaker.

Subalit hindi pa nakuntento si Castelo sa budget increase ng LCP dahil sa kabila ng pagiging isang COVID-19 hospital nito ga-ya ng NKTI, ito naman umano ang may pinakamababang halaga ng dagdag-pondo.

Kaya naman umapela siya sa Department of Health (DOH) na tulungan ang lahat ng COVID-19 health facilities sa pamamagitan ng pagbubuhos dito ng karagdagang pondo at pagbibigay ng mga kinakailangang medical equipment at supplies lalo na ngayong nagkaroon ng panibagong variant ang kinatatakutang virus,

“More funding means the hospitals can accommodate and treat more patients from Quezon City and Metro Manila, and from nearby provinces and even other parts of the country as well,” paggigiit ni Castelo.                   ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.