MISTULANG chronic disease ang mga geopolitical tensions sa labas ng bansa.
Dahil paulit-ulit at walang katapusan ang mga iringan.
Ang negatibong epekto nito, nadadamay ang iba pang bansa partikular sa mekanismo ng kalakalan.
Pinaka-klasikong halimbawa nito ang kawalan ng katatagan ng presyo ng oil products.
Linggo-linggo ay naitatala ang price adjustments sa pump prices at hindi lamang ito nangyari lamang ngayong panahon subalit naging kakambal na ng nasabing industriya ang pagpapalit ng ng presyo.
Dahil pa rin sa geopolitical tension sa Gaza Strip sa Israel, asahan ang muling pagtatas sa presyo ng produkto sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy, nasa hanggang piso ang maaaring price hike sa diesel at kerosene.
Habang posibleng hindi gumalaw ang presyo ng gasolina at kung gagalaw man ito, ay dagdag presyo ng hanggang 20 centavos.
Paglilinaw naman ng oil industry, hindi pa pinal ang pagtaya at sa Lunes pa malalaman ang eksaktong pagbabago sa presyo ng oil products.