SA ika-5 sunod na linggo ay inaasahan ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Ayon sa mga taga-industriya, ang presyo ng diesel, gasolina, at kerosene ay tataas ng P0.50 hanggang P0.60 kada litro.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes at ipinatutupad ito kinabukasan.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), ang presyo ng diesel ay nasa pagitan ng P28.75 at P37.55 kada litro, habang ang presyo ng gasolina ay mula P35.80 hanggang P51.32 kada litro.
Comments are closed.