DAGDAG PRESYO SA LPG SASALUBONG SA OKTUBRE

LPG-5

NAG-ANUNSIYO ang mga kompanyang nagbebenta ng liquefied petroleum gas (LPG) na tataas ang presyo ng kanilang mga produkto simula ngayong araw, Oktubre 1.

Ayon sa  Petron may P1.00 kada kilo na dagdag sa presyo ng kanilang LPG,  epektibo alas-12:01 ng umaga.

Katumbas ito ng dagdag na P11 para sa karaniwang 11-kilogram LPG tank.

Tataas din ang AutoLPG ng Petron ng P0.56 kada litro sa parehong oras.

“These reflect the international contract price of LPG for the month of October,” pahayag ng kompanya.

Samantala, inanunsiyo ng Solane na tataas ang presyo ng kanilang LPG ng P0.89 kada kilo o dagdag na P9.79 sa presyo ng 11-kilogram tank nito.

Epektibo ang price adjustment ng Solane ngayong alas-6 ng umaga.

Sa datos mula sa Department of Energy (DOE), hanggang noong Setyembre, ang presyo ng household LPG sa Metro Manila ay nasa mula P552.00 hanggang P782.00 per 11-kilogram cylinder.

Comments are closed.