MULI na namang magpapatupad ngayong araw (Pebrero 12) ng dagdag presyo sa mga produkto ng petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa.
Pinangunahan ng kompanyang Pilipinas Shell, PTT Philippines, Eastern Petroleum, Phoenix Petroleum, at Petro Gazz ang dag-dag presyo na P0.90 kada litro ng gasolina, P0.55 kada litro sa diesel at P0.85 kada litro sa kerosene na epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga.
Inaasahan namang susunod na magpatupad ng oil price hike ang ilan pang malalaking kompanya ng langis sa bansa gayundin ang mga maliliit na kompanya sa kahalintulad na halaga.
Ang ipinatupad na dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pan-daigdigang pamilihan.
Matatandaan na nito lang nakaraang linggo ay nagbawas ng katiting na presyo sa produkto ng langis subalit ngayong araw ay tataas na naman. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.