MUKHANG sa susunod na linggo mararamdaman ang pangambang malaking demand ng langis sa world market.
Ito ay dahil may pahiwatig na ang oil industry ng malakihang dagdag presyo sa oil products.
Magugunitang ngayong buwan, dalawang sunod na rollback ang naipatupad ng mga oil company at batay sa pagtaya ni Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero ay naantala ang inaasahang malaking demand sa langis sa pandaigdigang merkado, huminang interest at hindi pa naramdaman ang malaking cut ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC).
Subalit ngayong nakaamba ang big time price hike, ipinaliwanag naman ni Romero na natuloy na ang mataas na demand mula sa Energy Information Administration.
Habang bumababa rin ang supply ng langis mula sa Organization of Petroleum Exporting Countries gayundin ang mababang US crude inventories; walang katiyakan sa US Fed Reserves sa interest rate cut at ang lumiit na Saudi exports sa China gayundin ang potential US reserve purchases.
Malaki-laki ang inaasahang price hike sa petrolyo at kapag may banta nito ay asahan ang pagdaing ng mga motorista maging ang mga negosyante.
Hindi na ito bago sa atin, may mga pagdaing man, siguradong mairaraos din ng Pinoy ang ganitong sitwasyon.
Lagi lang isipin ang positibo sa mga bagay na kukuha ng atensiyon gaya ng banta ng bigtime price hike sa oil products.