INUTOS ni PNP Chief Police Gen. Guillermo Eleazar sa mga unit commanders na tiyaking may sapat na puwersa ang mga pulis sa mga terminal at pantalan.
Ito ay sa harap nang inaasahang pagdagsa ng tao na patungo sa iba’t ibang lalawigan para sa Undas.
Ayon sa PNP Chief, sa kabila ng pandemya, marami pa rin ang magsisiuwan sa mga lalawigan para makasama ang kanilang mga pamilya at kamag-anak sa panahong ito.
Payo naman ng PNP Chief sa mga bibiyahe, tiyaking kumpleto ang kanilang mga dokumento para makaiwas sa aberya pagdating sa kani-kanilang mga destinasyon.
Paalala ng PNP Chief, may kanya-kanyang health protocols na ipinaiiral ang iba’t ibang mga local government units (LGUs).
Aniy, huwag na rin magpumilit na bumisita sa mga sementeryo na mananatling sarado hanggang Nobyembre 2 para wala maging problema sa mga awtoridad. REA SARMIENTO