DAGDAG SAHOD SA WORKERS SA ILOCOS, CAGAYAN SIMULA HUNYO 5

MAKATATANGGAP  na ng karagdagang suweldo ang mga manggagawa sa Ilocos, Cagayan Valley at Caraga region.

Simula ika- 5 ng Hunyo ay may dagdag suweldo ang mga minimum wage earner sa mga nabanggit na lugar.

Ito ay matapos na aprubahan ng kani- kanilang Regional Tripartite Wages and Productivity boards ang naturang salary increase.

Iginiit ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na magiging epektibo ang wage increase simula sa Hunyo 4 sa National Capital Region at sa Western Visayas.

Aprubado na rin ng board at nagpalabas na ito ng wage order na pinagbigyan ang P500 at P1,500 monthly wage increases para sa mga domestic workers sa mga siyudad at mga first-class municipalities.

Nilinaw rin ng DOLE na batay sa Omnibus Rules on Minimum Wage Determination na ang kompanyang may empleyadong hindi lalagpas sa 10 at yung mga naapektuhan ng nagdaang kalamidad at ng pandemic ay maaaring mag-apply ng exemption sa pagbibigay ng dagdag suweldo sa kanilang mga empleyado. Liza Soriano