IPINAGPALIBAN ng Manila Water ang taas-singil na nakatakda sa susunod na taon upang matulungan ang mga customer nito na hinagupit ng pandemya.
Ayon sa Manila Water, sakop nito ang P2 rate adjustment para sa 2021, gayundin ang changes sa consumer price index (CPI) o inflation.
“With this decision, we continue to put our customers first as we heed the government’s call to help mitigate the impact of the disruption of economic activity on most Filipinos. We believe that, by working together as one nation, we will continue to rise above all challenges we are currently confronting and may still be facing in the future,” pahayag ng kompanya sa isang statement.
Ang Manila Water ay nagkakaloob ng water at wastewater services sa eastern part ng Metro Manila, partikular sa mga lungsod ng Mandaluyong, San Juan, Pasig, Marikina, Taguig, bayan ng Pateros, at ilang bahagi ng Makati, Manila at Quezon City, gayundin sa lalawigan ng Rizal.
Nauna rito ay inanunsiyo ng Maynilad na hindi sila magpapatupad ng anumang pagtataas sa susunod na taon.
Comments are closed.