NAGPAABISO na ang tagapagsalita ng Manila Electric Company na malamang na magkakaroon ng dagdag na singil sa koryente ngayong buwan ng Marso.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, mawawala na ang P0.38 kilowatt kada oras (kWh) na refund na ipinatupad noong nakaraang buwan dahil sa sobrang nakolektang universal charge-stranded contract costs.
Sa pagtatantiya ng Meralco, maglalaro sa P0.05 hanggang P0.30 kada kWh ang magiging dagdag sa overall rate. Sa Huwebes iaanunsiyo ang pinal na halaga.
Sinabi rin ng Meralco na karaniwang tumataas ang konsumo ng koryente habang papasok ang sum-mer o tag-init.
Comments are closed.