NAGPASYA ang Meralco na utay-utayin ang dagdag-singil sa koryente para sa buwan ng Marso.
Ayon sa kompanya, ito’y upang mapagaan ang pasanin ng mga consumer sa rate hike ngayong buwan dahil tumataas din ang iba pang charges.
Ang pagtaas sa generation charge ay nasa P0.60 ngayong Marso, at ang nalalabi ay sisingilin sa Abril at Mayo.
Sinabi ng Meralco na nakipag-ugnayan ito sa mga supplier nito at sa Energy Regulatory Commissio (ERC) para sa pagpapaliban ng bahagi ng generation costs para sa February supply month.
“This will help us bring down the generation charge increase in the March billing period to the benefit of our customers,” sabi ng power distributor.
“The total deferred generation costs of P1.1 billion, equivalent to 40 centavos per kWh (kilowatt-hour), will be collected on a staggered basis in the April and May billing periods as cleared by the regulator,” sabi pa ng kompanya.