DAGDAG TOLL FEE SA SCTEx

SCTEx-2

EPEKTIBO  na sa Hunyo 14 ang pagtataas ng ­singil  sa toll fee ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx).

Ang toll hike ay maaalalang  inaprubahan  ng Toll Regulatory Board   noong buwan ng Marso.

Ang mga sasakyang dumadaan sa Class 1 na nagmumula sa Mabalacat, Pampanga patu­ngong Tarlac ay magbabayad ng P124  mula sa  dating P104  lamang.

Ang mga bus at ma­liliit na trak sa Class 2 ay magbabayad naman ng P248 mula sa P208. Dagdag na P60 naman para sa mala-laking trak na nagkakahalagang P372.

Ang mga motorista namang dadaan sa Class 1 mula Mabalacat, Tipo at Subic ay may dagdag  na P32.

Ang mga dadaan sa parehas na ruta sa loob ng class 2 ay magbabayad ng P467 habang P98  naman ang dagdag  na singil para sa mga sasakyang nakalinya sa class 3 na nagkakahalaga ng P690.

Comments are closed.