DAGUPAN FIRE BUREAU PINAYUHAN ANG PUBLIKO NA HUMINGI NG PERMIT SA PAPUTOK

BFP

DAGUPAN CITY – PINAALALAHANAN ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa siyudad na ito ang publiko na nagpaplanong magpaputok at gumawa ng fireworks display na humingi muna ng permit.

Sinabi ni Fire Marshal Georgian Pascua na magpapatupad sila ng “no permit, no fireworks display policy” sa siyudad.

“Dagupeños cannot just conduct fireworks display, especially if there is a large crowd. It is far too dangerous,” sabi niya.

Sa mga taong kinokonsidera ang paggamit ng paputok sa pagsasaya lalo na sa Bagong Taon, ay dapat munang kumuha ng permit sa BFP o magpaabiso sa tamang ahensiya para masiguro na sila ay sumusunod sa fire safety standard, ani Pascua.

“Securing a permit,” sabi ni Pascua, “proves they are able to comply with the fire safety standard to prevent, or at the very least, minimize casualty, if there will be any unforeseen occurrences.

“We are trying to prevent what happened in a certain barangay in Dagupan before,” dagdag pa niya.

Ito ay patungkol ni Pascua sa fireworks display, na nagkaroon ng aber­ya sa barangay Calmay noong nagdaang Enero 1, na nagresulta sa 26 casualties.

“As of writing, only barangay Malued applied for a fireworks display permit.”

Samantala, hinimok ng mga awtoridad ang publiko na huwag gu­mamit ng firecrackers kundi manood na lamang ng pyrotechnic displays, dahil mas ligtas ito.

Ineengganyo rin ng BFP Dagupan ang mga barangay na gumawa ng sarili nilang firecracker zone o sa tamang lugar sa kanilang barangay na puwedeng gumawa ng fireworks display.     PNA

Comments are closed.