(Dahil kay Rosita) PRESYO NG GULAY LALONG TUMAAS

gulay

TUMAAS na naman ng sampu (P10) hanggang dalawampung (P20) piso ang presyo ng gulay sa mga pamilihang bayan.

Posible umanong bunga pa rin ito ng magkakasunod na kalamidad na tumama sa bansa.

Batay sa monitoring, ang patatas ay nasa isandaan at dalawampung piso (P120) ang kilo, apatnapung piso (P40) kada kilo ang sayote, siyamnapung piso (P90) kada kilo ang carrots at isandaan at apatnapung piso (P140) ang repolyo.

Nasa isandaang piso (P100) naman ang Baguio beans, 80 pesos per kilo ang talong, ampalaya, sibuyas, kamatis at bawang samantalang nasa dalawampung piso ang (P20) ang sitaw.

Comments are closed.