POSIBLENG ibaba ng Development Budget Coordination Committee ang growth target para sa taong ito na mula 6 hanggang 7 porsiyento makaraang muling isailalim ang Metro Manila at apat na karatig na lalawigan sa enhanced community quarantine (ECQ) sa loob ng dalawang linggo.
Ito ang nabatid kahapon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Diokno na noong Disyembre ng nakaraang taon, ang original forecast ng DBCC para sa gross domestic product sa taong 2021 ay mula 6.5 porsiyento hanggang 7.5 porsiyento.
Subalit dahil sa mga kaganapan bunsod pa rin ng pandemya ay maaaring muling magpulong ang DBCC sa buwang ito upang rebisahin ang mga economic target sa taong ito.
“Because of the recent closure of our economy due to ECQ in NCR (National Capital Region) Plus, perhaps this month the DBCC will revise the original forecast of 6.5 to 7.5 (percent). It maybe possible that based on the result of that (meeting), in my estimate is that (our GDP growth) target for this year is around 6 to 7 percent,” sabi pa ni Diokno.
Ibinalita ni Diokno na bumaba na rin ang inflation rate na mula 4.7 percent noong Pebrero ay naging 4.5 percent noong Marso dulot na rin ng mas mabagal na pagtaas sa presyo ng mga piling food items tulad ng gulay, bigas at karne.
Isinailalim sa ECQ sa loob ng dalawang linggo ang Metro Manila at mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal na kumakatawan sa mahigit 50 porsiyento ng overall economy ng bansa sa layuning mapigilan ang pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Simula Abril 12 hanggang Abril 30, ang NCR Plus ay nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) habang ang ibang mga lugar ay inilagay naman sa general community quarantine at modified general community quarantine. EVELYN QUIROZ
887542 509662Its wonderful what supplementing can do for your body and your weight lifting goals! 96595
987095 277682Oh my goodness! an incredible post dude. Thanks a ton However We are experiencing problem with ur rss . Dont know why Cannot enroll in it. Can there be any person discovering identical rss dilemma? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 142209
186963 267173This is a terrific web page, will you be interested in doing an interview regarding how you developed it? If so e-mail me! 115294