PUMALO sa P1.4 trillion ang nawalang kita sa mga Pinoy noong 2020 dahil sa lockdown restrictions dulot ng COVID-19 pandemic, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).
Sa isang virtual briefing, sinabi ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na dahil sa quarantine ay natapyas ang P801 billion na spending noong 2020, na katumbas ng P2.2 billion araw-araw.
Pagdating naman sa epekto nito sa mga trabaho at sa multiplier effect, ang nawala ay tinatayang nasa P1.4 trillion o P2.8 billion kada araw.
Ang naturang quarantine restrictions ay nagresulta sa average annual income loss na P23,000 kada manggagawa.
Ang Filipinas ay unang nagpatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) noong March 2020, na unti-unting niluwagan sa general community quarantine (GCQ) na kasalukuyang umiiral sa Metro Manila.
“This translates to significant income loss, significant employment loss, and for the most affected sectors, hunger and possibly higher poverty,” wika ni Chua sa isang presentation matapos na ipalabas ang fourth-quarter at full-year 2020 economic data.
“Going forward, we cannot afford any more prolonged quarantines or risk aversion. We have to strike that better balance and we will continue to use data both from the economic and the health side to inform our decision and our recommendation to the President,” dagdag pa niya.
Comments are closed.