IPINATUPAD ng Department of Agriculture (DA) ang lockdown sa walong barangay ng Don Marcelino, Davao Occi-dental dahil sa African swine flu (ASF).
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, layon nito na walang makapasok at lalong walang makalalabas na karne ng baboy sa walong barangay ng Don Marcelino.
Sinabi ni Dar na sa 13,000 populasyon ng baboy sa Don Marcelino, nasa 1,000 ang ibinaon sa lupa dahil sa ASF.
Para naman matiyak ang kaligtasan ng mga kostumer sa San Marcelino, pumayag aniya ang lokal na pamahalaan na bilhin ang lahat ng baboy na hindi naapektuhan ng ASF.
Samantala, pito pang barangay sa bayan naman ng Malita sa Davao Occidental din ang under surveillance.
Sinabi ni Dar na iniimbestigahan na rin nila kung paano nakaabot ang ASF sa isang isolated coastal town na tulad ng Don Marcelino.
Kumbinsido si Dar na kaya mahirap mawala sa Filipinas ang ASF ay dahil sa smuggling.
BAYAN SA DAVAO OCCIDENTAL ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY DAHIL SA ASF
Samantala, inilagay sa ilalim ng state of calamity ang bayan ng Don Marcelino sa Davao Occidental matapos na magpositibo ang samples na nakuha sa halos 1,000 patay na baboy sa African swine fever (ASF).
Idineklara ang bayan sa estado ng kalamidad nitong Linggo ng hapon, ayon sa pagkumpirma ni Evelyen Gildore, pinuno ng Municipal Agriculture Office.
Ang mga baboy na nagpositibo sa ASF ay nanggaling sa mga barangay ng Lindasan, North Lamidan, South Lamidan, Calian, Mabuhay, Lawa, Nueva Villa, at Baluntayan, ani Don Marcelino Mayor Michael Maruya.
Kamakailan din, nag-order ang gobyernong lokal ng Don Marcelino ang activation ng Regional Animal Disease Task Force para magpokus sa kaso ng ASF.
Ang pagdadala ng baboy papasok at palabas ng bayan ganundin ang pagbebenta ng karneng baboy ay ipagbabawal, sabi ni Maruya sa pagpapatupad ng gobyernong lokal ng pansamantalang lockdown sa bayan.
Comments are closed.