BUMABA ang farm at fisheries production value ng bansa ng 3.7% year-on-year sa P397.43 billion noong third quarter, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sa isang statement, sinabi ng DA na ang pagbaba ay dahil sa masamang panahon at sa nagtatagal na epekto ng African Swine Fever sa hog production.
Tinukoy ang datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi ng DA na ang halaga ng palay production sa third quarter ay bumaba ng 12.3% year-on-year, na nagresulta sa 5.1% pagbaba sa overall crop output, na may kabuuang P211.62 billion.
Ang mga pananim ay bumubuo sa 53% ng kabuuang halaga ng produksiyon, habang ang livestock ay nag-ambag ng 16%. Ang halaga ng livestock output ay bumaba ng 6.7% sa P61.67 billion.
Bumaba naman ang hog production— isang major contributor sa livestock subsector— ng 8%.
Samantala, ang production value ng fisheries subsector ay bumaba ng 5.5% year-on-year sa P55.48 billion sa third quarter.
“Undeniably, the combined effects of El Niño and La Niña weighed down palay production, a major contributor to the crop sector, which accounts for more than half of the value of agricultural and fisheries output,” wika ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr.
“We’re implementing changes to the rice cropping calendar and building infrastructure like water impounding dams to mitigate the impact of climate change on the farming sector,” dagdag pa niya.
Sa kabila nito, sinabi ni Tiu Laurel na nagkaroon ng pagtaas sa ilang areas tulad ng 1.3% increase sa halaga ng corn production at ng 5.8 % pagtaas sa poultry output value.
Ang halaga ng poultry production ay umabot sa P68.66 billion sa nasabing quarter. MA. LUISA MACABUHAY-GARCIA