(Dahil sa ASF – USDA) PH PORK PRODUCTION BABABA

asf

INAASAHANG mababawasan ang produksiyon ng baboy ng Pilipinas dahil sa patuloy na epekto ng African swine fever (ASF), base sa report ng United States Department of Agriculture (USDA).

Ayon sa report ng USDA, ibinaba ng Foreign Agriculture Service (FAS) Manila ang Philippine pork production projection nito sa 925,000 metric tons (MT) mula sa naunang pagtaya na 975,000 MT.

Tinukoy sa report ang patuloy na pagkalat ng ASF sa mga bagong probinsya sa central at western Visayas regions, kabilang ang Negros Occidental, Negros Oriental, at Aklan. Nauna nang nagkaroon ng ASF outbreaks sa major producing provinces tulad ng Iloilo at Cebu.

Ang Central Visayas ang bumubuo sa 40.541 million MT ng pork production sa first quarter ng taon, habang ang Western Visayas ay may 37.016 million MT, kapwa nagposte ng pagtaas mula sa kaparehong panahon noong 2022.

“In 2022, the Central and Western Visayas regions had become the first and third-largest producers following the decimation of swine inventories elsewhere in the country,” ayon sa USDA.