(Dahil sa ASF)MEAT PRODUCTS MULA WESTERN VISAYAS BANNED

Pork

IPINAGBABAWAL na ang mga produktong baboy mula sa limang probinsya ng Western Visayas dahil sa African Swine Fever (ASF).

Kabilang sa mga lugar ang sa isla ng Guimaras, Panay na kinabibilangan ng Iloilo, Antique, Aklan at Capiz.

Ayon kay Negros Occidental Gov. Bong Lacson, sa ilalim ng Provincial Ordinance 2019-024 o mas kilala bilang ASF Prevention Ordinance of Negros Occidental ay ipinagbabawal ang karne ng baboy dahil sa ASF.

Samantala, nagpatupad na rin ang Cebu ng ‘temporary ban’ sa ilalim ng executive order ng Cebu governor.

Sa ilalim ng executive order ng Cebu governor, ang mga produktong baboy mula sa Negros Oriental o Negros Occidental ay kinakailangan ng livestock permit.

DWIZ 882