(Dahil sa Bagyong Carina) RED ALERT STATUS ITINAAS NG DSWD-DRCC

ITINAAS ng Department of Social Welfare and Development ang red alert status kasunod ng pag-activate ng Disaster Response Command Center (DRCC) kaugnay ng banta ng Habagat at Bagyong Carina.

Ayon sa DSWD, nakatutok na ito ngayon partikular ang DSWD Disaster Response Management sa sitwasyon sa mga apektadong lugar.

Nagsagawa rin ng pagpupulong ang ahensiya sa pangunguna ni Disaster Management Group Usec. Diane Rose Cajipe upang talakayin ang ikakasang disaster response na dapat isagawa.

Sa pagpapatuloy ng interventions sa pagtugon sa kalamidad kabilang ang pag-preposisyon sa family food packs.

Tinatayang aabot sa P2.5 bilyon ang nakahandang resources ng DSWD kung saan P103.34 milyon ang standby funds, habang P1.21 bilyon naman ang halaga ng family food packs. P ANTOLIN