SAPAT ang supply ng tubig sa Metro Manila sa taong 2020, ito ang tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Tinukoy ang report ng regional offices ng DOLE sa COVID-19 prevention and control at workplaces, sinabi ni Labor Assistant Secretary Dominique Tutay na may 20 establisimiyento ang pansamantang tumigil sa kanilang operasyon na nakaapekto sa mahigit 300 workers.
“These are from regions 6, 7, and 12,” wika ni Tutay sa isang press conference.
Sinabi naman ni Labor Undersecretary Ana Dione na karamihan sa mga apektadong negosyo ay hotels, restaurants, at tourism-related establishments sa gitna ng binawasang tourism activities sa gitna ng banta ng COVID-19.
Umaaray na ang mga stakeholder ng Philippine tourism industry dahil sa global health scare ng COVID-19, kung saan ilang hotels na ang nagsuspinde ng operasyon at lugi na ng milyon-milyong piso ang mga air carrier.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ang tourist arrivals ay bumaba ng 41% noong Pebrero dahil sa outbreak.
Comments are closed.