NAGPATUPAD na rin ng travel ban ang Filipinas sa Indonesia dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant.
Ito ang inanunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque makaraang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabawal na makapasok sa bansa ang lahat ng mga biyahero mula Indonesia.
Epektibo alas-12:01 ng umaga ng Hulyo 16 hanggang alas-11:59 ng gabi ng Hulyo 31, ang nasabing mga biyahero ay hindi na papapasukin sa bansa.
Gayunman, ang mga pasahero na on transit na dumating sa bansa sa nasabing petsa ay papayagan namang makapasok subalit kailangang matapos ang 14-day quarantine kahit pa mayroong negative Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) result.
Ang hakbang ng pamahalaan ay upang maiwasan na makapasok sa bansa ang mga bagong variant ng COVID-19.
Una rito ay pinalawig pa ng Filipinas ang travel ban sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, Unitrd Arab Emirates at Oman hanggang Hulyo 31. EVELYN QUIROZ
116916 908076After I initially commented I clicked the -Notify me when new feedback are added- checkbox and now each time a remark is added I get four emails with the same comment. Is there any method youll be able to take away me from that service? Thanks! 681590
416872 824640Hi, you used to write exceptional articles, but the last several posts have been kinda boring I miss your tremendous posts. Past couple of posts are just just a little out of track! 981011
507457 827305I like this web site extremely considerably so significantly excellent info. 474154