(Dahil sa banta ng COVID-19) FIBA ASIA QUALIFYING GAMES KANSELADO

Coronavirus

MAGKAKAROON ng mas mahabang panahon para makapaghanda ang Gilas Pilipinas para sa Asia Cup 2021 qualifiers makaraang ipagpaliban ng FIBA ang mga laro sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) outbreak sa rehiyon.

Sa Twitter post ng FIBA Asia Cup, tatlong laro ang kakanselahin ‘until further notice’, kabilang dito ang laro ng Gilas kontra Southeast Asian neighbor Thailand sa February 20.

Ang iba pang mga laro na kanselado ay sa pagitan ng virus-stricken China at  Japan sa February 21 at ang laro ng Malaysia kontra Chinese national team sa February 24.

Samantala, maganda ang itinatakbo ng ensayo ng Gilas sa kabila ng ilang pagbabago sa roster nito sa mga nakalipas na linggo.

Natuwa si interim coach Mark Dickel sa ipinakita ng koponan noong Martes sa Me­ralco Gym, kung saan opisyal na lumahok si Javee Mocon ng Rain or Shine sa 24-man pool.

“We started putting some of our offensive stuff in, which is all new to pretty much everyone. So that was good. Real steps in the right direction,” wika ni Dickel, ang active consultant ng TNT KaTropa sa PBA.

Wala pang itinatakdang petsa para sa first window games ng regional qualifying tournament.

Suportado naman ng Philippine Olympic Committee (POC) ang anumang desisyon na kanselahin o suspendihin ang sports activities upang maiwasan ang pagkalat pa ng ­COVID-19.

“The Philippine Olympic Committee stands behind [the] government in its precautionary measure of advising every-one to desist from organizing, participating, or attending events where big crowds are expected,” wika ni POC president Bambol Tolentino.

“We must always put the safety of athletes, coaches, officials, and spectators at the very top of our priorities.”

Comments are closed.