(Dahil sa banta ng COVID-2019) 2 TORNEONG LALAHUKAN NI OBIENA KANSELADO

Ernest John Obiena4

NAKANSELA ang dalawang torneo na lalahukan ni Olympic-bound Ernest John Obiena sa Nanjing at Gungzhou, China dahil sa coronavirus disease o COVID-2019.

“The two world athletics competitions slated in China were definitely cancelled,” sabi ni Jeanette Obiena, ina ni EJ sa panayam ng PILIPINO Mirror.

Dahil sa kanselas­yon, sinabi ng matandang Obiena na pupunta ang kanyang anak sa California, kasama ang kanyang personal Ukraine coach na si Vitaly Petrov,  para mag-training bilang final tune up para sa 2020 Tokyo Olympics.

“EJ will train for 55 days at Chula Vista sa California for his final preparation for the Tokyo Olympic Games,” wika ni Jeannette.

Aniya, nag-improve ang talon ni Obiena sa kanyang training sa Fornia, Italy.

“He gained tremendous improvement in his training. He trained regularly under the watchful eyes of Petrov.”

Hinigitan ni Obiena, 24, ang 5.80-meter Olympic qualifying mark sa bagong marka na 5.81 meters, ilang araw makaraang makapasa si gymnast Carlos Edriel Yulo sa qualifying na ginawa sa Stuttgart, Germany.

Si Obiena ang ika-60 atleta sa athletics at unang pole vaulter na sasabak sa Olympics magmula nang lumahok ang Pinas sa quadrennial meet noong 1924 sa Amsterdam, Netherlands.

Sina Filipino-American Eric Shawn Cray at Mary Joy Tabal ang huling dalawang Pinoy na lumahok sa athletics sa 2016 Olympic Games sa Brazil.

Ang training ni Obiena ay suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) na pinamumunuan ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez. CLYDE MARIANO

Comments are closed.