(Dahil sa coronavirus) OFWs BINALAAN SA MATAONG LUGAR SA SOUTH KOREA

seoul

SEOUL – UPANG makaiwas sa coronavirus, pinagbawalan nang pumunta sa mga matataong lugar ang mga Filipino sa South Korea.

Ayon sa United Filipinos in Korea (UFILKOR) sa Seoul, South Korea, nagbigay na ng abiso ang gobyerno na iwasan muna nilang pumunta sa mga matataong lugar.

Aniya, matapos nilang mabalitaan na may nagpositibo na nang nasabing sakit sa Seoul kung saan ang biktima ay nagmula sa China ay agad niyang pinulong ang mga miyembro nila para pag-usapan kung anong gagawin nila para hindi mahawaan sa nasabing sakit.

Nabatid na may iba’t ibang orga­nisasyon ng mga Filipino at tuwing may mga kahalintulad na problema ay silang mga lider ang madalas mag-uusap para sa ipapayo sa kanilang mga miyembro.

Pinaalalahanan din ang paggamit ng face mask upang hindi mahawahan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.