(Dahil sa COVID-19) JOBLESS NA OFWs POSIBLENG SUMAM-PA SA 100K

Allan Tanjusay

POSIBLENG sumampa sa 100,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa buong mundo ang mawawalan ng trabaho dahil sa Coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni Allan Tanjusay, spokesperson ng Associated Labor Union-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), na sa una nilang pagtaya ay nasa 7,000 lang ang mga Pilipinong mawawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.

Batay sa impomasyong nakuha sa National Economic and Development Authority (NEDA), pumapalo ito sa 30,000 hanggang 90,000.

Ayon kay Tanjusay, dahil sa paghina ng negosyo sa gitna ng Coronavirus ay maraming kompanya ang magbabawas ng kanilang manpower lalo na ang mga “non-essential workers.”

Dahil din aniya sa travel restrictions ay maraming Pinoy ang hindi makababalik sa kani-kanilang trabaho sa labas ng bansa.

May impormasyon din ito na walang kasalukuyang “order” para sa mga mang­gagawang Pinoy sa mga cruise ship.

Ito ang rason kung bakit nananawagan ang ALU-TUCP sa Department of Labor and employment na ipatawag ang business sector at magkaroon ng social dialogue upang diskusyunan ang mga posibleng gawin sa kinakaharap na problema. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.