(Dahil sa COVID-19 pandemic) NEW YORK CITY MARATHON KANSELADO

New York City Marathon

ANKARA – Hindi na matutuloy ang New York City Marathon ngayong taon dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, ayon sa mga organizer.

“The race scheduled on November 1 was called off due to coronavirus-related health and safety concerns for runners, spectators, volunteers, staff, and the many partners and communities that support the event,” sabi sa statement ng New York Road Runners (NYRR).

“Canceling this year’s TCS New York City Marathon is incredibly disappointing for everyone involved but it was clearly the course we needed to follow from a health and safety perspective,” pahayag ni NYRR president Michael Capiraso sa statement.

Ayon sa mga organizer, may opsiyon ang mga nagparehistrong runner  na humingi ng full refund ng kanilang entry fee o guaranteed complimentary entry sa  2021, 2022, o 2023.

Ang marathon ay gaganapin sa November 7 sa susunod na taon.

Pinuri ni New York City Mayor Bill de Blasio ang desisyon na unahin ang kalusugan at kaligtasan kapwa ng mga manonood at runner sa pagkansela sa ‘iconic and beloved event.’

Ang New York City Marathon ay nagsimula noong 1970 at naging pinakamalaking marathon sa mundo ba may 53,640 finishers noong 2019.  (ANADOLU)

Comments are closed.