DAHIL sa COVID-19 pandemic na pumaralisa sa maraming aktibidad, kasama na ang palakasan, hindi muna lalaruin ang PRISAA National Games sa 2020 at 2021, at sa halip ay itinakda ito sa 2022 sa hindi pa malamang lalawigan.
Nakatakdang magpulong ang national executive board na pinamumunuan ni national executive director Professor Elbert ‘Bong’ Atilano para talakayin ang magiging venue ng kumpetisyon.
“The executive board will convene and study the next venue,” wika ni Atilano, kasalukuyang vice president ng Weightlifting Association of the Philippines.
Ang PRISAA Nat’l Games ay tinatampukan ng mga atleta mula sa mahigit 400 private colleges and universities sa buong bansa at pinagkukunan ng mga magagaling na atleta kung saan dito natuklasan si Brazil Olympic silver medalist at Asian Games at SEA Games gold medalist Hidilyn Diaz.
Suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) na pinamumunuan ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang naturang torneo.
“Member schools met and unanimously agreed to suspend the event for two years and hold the competition in 2022. We’re saddened by the unfortunate incidence caused by the deadly disease that claimed thousands of lives in many countries around the world. We have no choice but to cancel the event primarily to save the lives of the athletes,” sabi ni Atilano sa isang panayam.
Huling nilaro ang PRISAA games sa Davao noong nakaraan taon matapos ang Palarong Pambansa na ginawa rin sa parehong lugar at bago ganapin ang 2019 SEA Games.
Mahigit 30 sports, kasama ang medal rich athletics, swimming at weightlifting, ang lalaruin sa torneo.
Ang PRISAA na halos kasing tanda ng Palarong Pambansa ay idinadaos taon-taon. CLYDE MARIANO
Comments are closed.